Lumaki ako na may pagkakasala at paninisi, sa gitna ng malupit na pamumuna at patuloy na takot. Kahit ngayon, pagkatapos ng mga taon ng pagbawi ng Al-Anon, kapag naiisip ko ang mga nakaraang pagkakamali, malamang na mag-react ako nang may guilt, pinalalaki ang kahalagahan ng aking mga pagkakamali at iniisipan ang aking sarili nang masama.
Sa Al-Anon natututo akong makita ang aking sarili nang mas makatotohanan. Oo, nakipagbuno ako sa alkoholismo at natumba ng isa o dalawang beses. Nakagawa ako ng maraming pagkakamali na walang kinalaman sa alkoholismo. Pero hindi ako masama. Oras na para itigil ko ang pagtrato sa sarili ko na parang ganun ako.
May panahon na ang tanging kapangyarihan na naramdaman kong meron ako ay ang kapangyarihang guluhin ang mga bagay-bagay. Ngayon, dahil natututo akong maniwala sa aking sarili at sa aking kakayahang gumawa ng isang positibong kontribusyon sa aking sariling buhay, malaya akong tingnan ang aking mga pagkakamali nang hindi pinalalaki ang mga ito. Matututo akong huminto na ulitin ang mga pagkakamaling iyon, at maaari kong ayusin ang pinsalang nagawa ko.
Paalala sa Araw na Ito
Hindi ko ikakadena ang aking sarili sa nakaraan na may self-defeating guilt, o sa pamamagitan ng pagpapalaki ng kahalagahan ng aking mga pagkakamali. Sa halip, gusto kong harapin ang aking nakaraan at pagalingin ang mga lumang sugat upang ako ay sumulong sa isang mas mayaman, mas buo, at mas masayang buhay ngayon.
“Hindi mo kailangang magdusa sa patuloy na kaguluhan upang lumago.”
John C. Lilly