AGOSTO 5
Nalason ng mga hinanakit ang halos lahat ng oras na ako ay gising bago ko mahanap si Al-Anon. Maaari kong panatilihin ang apoy sa ilalim ng sama ng loob sa maraming mga araw, o taon, sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay-katwiran kung bakit ko nararamdaman ang nararamdaman ko. Ngayon, bagama’t mahalagang mapansin ang aking nararamdaman, hindi ko na kailangang patuloy na ulitin at muling ulit-ulitin ang aking mga hinaing. Hindi kinakailangang patuloy na suriin kung paano ako nasaktan, para sisihin, o upang matukoy ang mga pinsala.
Sa huli, maaaring hindi ko malutas ang lahat sa taong nabanggit-bagama’t maaaring maging kaaya-aya kung ito ay mangyayari. Gusto ko lang mawala ang sama ng loob dahil pinipigilan ako nitong maranasan ang kasiyahan. Sinusubukan kong ilipat ang aking enerhiya sa kung saan ito ay may mabuting maidudulot. Inilapat ko ang Hakbang ika-anim at ika-pito dahil, para sa akin, ang paraan para mawala ang sama ng loob ay ang bumaling sa aking Mas Mataas na Kapangyarihan. Gusto kong maging ganap na handa na iangat ito ng aking Mas Mataas na Kapangyarihan, at mapagkumbaba akong humihingi ng tulong.
Paalala sa Araw na Ito
Kung may hinahawakan man akong hinanakit, maaari lang akong humingi ng ginhawa, para sa kapayapaan ng isip sa kasalukuyang sandali. Ipapaalala ko sa aking sarili na ang kaginhawaan na ito ay darating sa panahon ng Diyos. Pagkatapos ay maaari akong tumahimik, maging matiyaga, at maghintay.
“Walang tao ang makapag-isip ng maayos kapag nakakuyom ang kanyang mga kamao.”
George Jean Nathan