HUNYO 30
“Habang naglalakad sa kakahuyan isang araw, nagulat ako nang marinig ko ang boses ng isang bata. Sinundan ko ang tunog, sinusubukan kong intindihin ang mga salita ng bata.May nakitang akong batang nakaupo sa isang bato. Napagtanto ko kung bakit ang kanyang salita ay walang saysay: inuulit niya ang alpabeto. ‘Bakit maraming beses mong sinasabi ang iyong mga ABC?’ Tinanong ko siya. Sumagot ang bata, ‘Nagdadasal ako.’ Hindi ko napigilang tumawa. ‘Dasal? Alpabeto lang ang naririnig ko.’ Matiyagang ipinaliwanag ng bata, ‘Buweno, hindi ko alam ang lahat ng mga salita, kaya ibinibigay ko sa Diyos ang mga titik. Alam ng Diyos kung ano ang sinusubukan kong sabihin.”
Ilang taon na ang nakalilipas, nang sabihin sa akin ng aking lola ang kuwentong ito, ito ay hindi gaanong mahalaga sa akin, ngunit ang espirituwal na buhay na natagpuan ko sa Al-Anon ay nagbigay dito ng bagong kahulugan. Ngayon ang kuwento ay nagpapaalala sa akin na ang panalangin ay para sa akin, hindi para sa Diyos, na nakakaalam sa aking pinagdadaanan nang walang paliwanag. Sa panalangin sinasabi kong handa akong tulungan. Ang kahulugan sa likod ng aking mga panalangin ay nagmumula sa aking puso, hindi sa aking mga salita.
Paalala sa Araw na Ito
Ang panalangin ang aking pinakapersonal na paraan ng komunikasyon. Maaari akong manalangin sa pamamagitan ng sinasadyang pag-iisip, pagsulat, paglikha, pakiramdam, at pag-asa. Maabot ko man ang kaloob-looban ko o lumingon sa kadakilaan ng kalikasan, ang diwa ng panalangin sa halip na anyo nito ang mahalaga. Ngayon, hahayaan kong magsalita ang puso ko.
“Ang Diyos ay nakikipagkita kung nasaan ako…. Kung gusto ko. Siya ay pupunta sa akin.”
Sa Aming Pagkakaunawa… (As We Understood…)