SETYEMBRE 28
Nakatanggap ako ng mabisang aral tungkol sa pagpapaalam isang gabi sa isang business meeting sa Al-Anon. Kinailangan ko ng maraming lakas ng loob para imungkahi na ang aking grupo sa tahanan ay isama ang buong Dasal ng Kahinahunan (Serenity Prayer) bilang bahagi ng pagbubukas ng pulong. Iminungkahi ng isa pang miyembro na basahin natin ang mga Tradisyon nang mas regular.
Inaprubahan ng konsensya ng grupo ang mosyon tungkol sa mga Tradisyon, habang ang aking alagang proyekto, ang Dasal ng Kahinahunan ay inalis. Umupo ako roon na nasaktan at nasugatan ang aking prayd (pride), ngunit isang bagay na natutunan ko sa Al-Anon ang patuloy na pumipintig sa aking isipan: “… na ilagay ang mga prinsipyo kaysa sa mga personalidad.” Pagdaka’y hindi na mahalaga na ang aking suhestiyon ay natalo. Lahat kami ay magkakasama sa samahan, at iyon lang ang mahalaga.
Sa loob ng aking grupong Al-Anon natututo akong isantabi ang pangangailangang mangyari ang mga bagay na ayon sa aking pamamaraan. Sa pamamagitan ng pagsasanay, natututunan kong gawin ito sa lahat ng aking mga relasyon.
Paalala sa Araw na Ito
Mahalagang ipahayag ang aking mga ideya. Mahalaga rin na tanggapin ang kinalabasan. Maaari kong kilalanin ang aking sarili sa pagkuha ng panganib na magsalita, alam kong ang mga resulta ng aking mga aksyon ay wala sa aking mga kamay. Ngayon pinili kong ipagkatiwala ang mga resultang iyon sa aking Mas Mataas na Kapangyarihan.
“Ang iyong nararapat na pag-aalala ay nag-iisa ang pagkilos ng tungkulin, hindi ang mga bunga ng pagkilos. Itapon mo ang lahat ng pagnanasa at takot para sa mga bunga, at gampanan ang iyong tungkulin.”
Ang Bhagavad Gita (The Bhagavad Gita)