SETYEMBRE 1
Matapos tingnang mabuti ang sarili nito, natuklasan ng aming napakaliit na grupo sa bahay na naliligaw na pala kami nang hindi namamalayan. Matagal na panahon na mula nang magkaroon kami ng mga bagong miyembro, bagong input. At lahat ng aming mga pagpupulong, na alinman sa mga bilog na lamesang talakayan (round-table), o batay lamang sa aklat na Para sa Araw na Ito Lamang sa Al-Anon (One Day at a Time in Al-Anon), ay tila sumasaklaw sa parehong aspeto na may kaunting pagbabago.
Kinuha namin ang konsensya ng grupo at nagpasyang subukan ang ilang mga pulong gamit ang iba pang literatura ng Al-Anon. Sinimulan namin ang isang serye ng mga palitan ng tagapagsalita sa iba pang mga lokal na grupo. Hindi nagtagal bago nagsimulang bumuti ang mga bagay. Ang aming membership ay nagtriple sa loob ng isang taon. Hindi nagtagal ay nagkaroon kami ng napakaraming bagong kasapi kaya nag-set up kami ng serye ng mga pagpupulong ng mga nagsisimula bilang extension ng aming grupo. Ang bawat isa sa amin ay personal na nakinabang dahil sa aming pagpayag na gumawa ng imbentaryo bilang isang grupo.
Paalala sa Araw na Ito
Ang bawat grupo, tulad ng bawat indibidwal, ay dumaraan sa mga pagbabago. Ngunit hindi natin kailangang harapin ang mga pagbabagong iyon nang mag-isa. Ang Ikalawang Tradisyon ay nagpapaalala sa atin na ang isang mapagmahal na Diyos ay nagpapahayag ng kanyang sarili sa pamamagitan ng konsesnya ng grupo. Kapag ang bawat isa sa atin ay handang umunlad, lahat tayo ay nakikinabang.
“May isang komportableng pakiramdam sa pag-alam na ang patnubay para sa grupo ay hindi nagmumula sa mga indibidwal, ngunit mula sa pagpayag ng grupo na sundin ang anumang karunungan na maaaring ipahayag sa pamamagitan ng pagiging miyembro.”
Hinaharap ni Al-Anon ang Alkoholismo (Al-Anon Faces Alcoholism)