OKTUBRE 4
Narinig ko na sinabi sa Al-Anon na sinusubukan nating tumutok sa ating mga pagkakatulad kaysa sa ating mga pagkakaiba. Hindi ito nangangahulugan na wala tayong pagkakaiba o hindi natin dapat kilalanin ang mga pagkakaibang ito. Ang iminumungkahi nito ay, sa pamamagitan ng pag-alala kung bakit tayo naririto, hindi natin kailangang maramdaman na nag-iisa.
Tulad ng karamihan, pumunta ako sa Al-Anon na may pakiramdam na ang aking mga problema ay nagbubukod sa akin sa lahat. Sa paglipas ng panahon, napagtanto ko na ang aking sariling takot at kahihiyan, at hindi ang mga nakakahiyang detalye ng aking mga problema, ang nagpanatiling magpapalayo sa akin. Nalaman ko na kapag naabot ko ang higit sa mga detalyeng ito, maaari kong hawakan ang mga kamay ng iba na apektado ng alkoholismo at sa gayon ay makahanap ako ng tulong.
Lahat tayo ay natatangi gaya ng ating mga bakas ng daliri (fingerprint), ngunit habang ang ating mga daliri ay nakikiisa sa pangwakas na panalangin, bawat isa sa atin ay bahagi ng isang kabuuan ng pag-asa na mas malaki kaysa alinman sa ating mga indibidwal na pagkakaiba.
Paalala sa Araw na Ito
Bagama’t mayroon tayong mga natatanging katangian, lahat ng puso ay tumibok ng pareho sa ilalim ng balat. Ang iyong puso ay umaabot sa akin habang ibinabahagi mo ang iyong kuwento at ang iyong pananampalataya. Alam ko na ang bahagi ng aking sarili na ibinabahagi ko sa iyo ay dinadala sa iyong puso. Ngayon ay aking pahalagahan ang ating pinagsama-samang lakas.
“Sapagka’t ang katawan ay iisa at mayroong maraming mga bahagi, ngunit ang lahat ng mga bahagi ng katawan, bagaman marami, ay iisang katawan.”
Ang Bibliya (The Bible)