Categories
Hunyo

June 22

HUNYO 22

Ang pagbabahagi ko sa mga unang pagpupulong sa Al-Anon ay naging ganito: “Ginagalit ako ng babaeng yan,” at “Kinakabahan ako dahil sa lalaking yan.” Salamat sa Diyos para sa isang Sponsor na palaging ibinalik ang focus sa akin at hinikayat akong tingnan kung ano talaga ang sinabi ng aking mga salita. Kapag sinisisi ko ang iba sa aking naramdaman, binibigyan ko sila ng kapangyarihan sa aking mga damdamin, kapangyarihan na nararapat ay sa akin. Walang makakapagparamdam sa akin ng kahit ano nang wala akong pahintulot. Marami akong dapat gawin na pagbabago sa ugali.

Ngayon, sa pamamagitan ng kamalayan sa mga salitang sinasambit ko, natututo akong makipag-usap nang mas responsable. Hindi lamang ako nakikibahagi sa mas tuwirang paraan, ngunit nakikipagtalo din ako sa mas malusog na paraan. Mayroong mas mahusay na mga paraan upang ipahayag ang aking sarili kaysa sabihin, “Ginawa mo ang ganito at ganoon sa akin.” Kaya kong pag-usapan ang sarili ko at ang nararamdaman ko. Maaari kong ipaliwanag kung paano ko naranasan ang isang bagay kaysa sabihin sa ibang tao kung ano ang ipinaramdam niya sa akin. Masasabi ko kung ano ang gusto ko. Hindi na ako biktima.

Paalala sa Araw na Ito

Ano ang ipinahihiwatig ng aking mga salita? Ipinapahayag ba nito ang nais kong sabihin? Ngayon ay mas makikinig ako sa kung ano ang sinasabi ng aking mga salita.

“Nalalaman natin sa tamang panahon na hindi mga paksa ang kontrobersyal, ngunit ang paraan ng pakikipag-usap natin tungkol sa mga bagay na ito at ang mga elemento ng personal na paninisi ay idinagdag natin ng may galit.”

Ang Dilemma ng Alcoholikong Kasal (The Dilemma of the Alcoholic Marriage)

English Translation

JUNE 22

My sharing at early Al-Anon meetings went something like this: “She makes me so mad,” and “I’m a nervous wreck because of him.” Thank God for a Sponsor who always brought the focus back to me and encouraged me to look at what my words really said. When I
blamed others for how I felt, I was giving them power over my feelings, power that rightly belonged to me. Nobody can make me feel anything without my consent. I had a lot of attitude-changing to do.

Today, by being aware of the words I use, I am learning to communicate more responsibly. I not only share in a more straightforward manner, but I also argue in a healthier way. There
are better ways to express myself than to say, “You did such and such to me.” I can talk about myself and my feelings. I can explain the way I experienced something rather than telling the other person how he or she made me feel. I can talk about what I want. I am no longer a victim.

Today’s Reminder

What do my words communicate? Do they express what I am trying to say? Today I will listen more closely to what my words have to say.

“We learn in time that it is not subjects which are controversial, but the manner in which we communicate about them and the elements of personal blame we add to them in anger.”

The Dilemma of the Alcoholic Marriage