Ang takot ay bahagi na ng aking pang araw-araw na karanasan sa alkoholismo, at natutunan ko ang ilang mga paraan upang makayanan ito. Madalas kong nahuhuli ang aking sarili na tumutugon sa aking mga takot sa parehong paraan ngayon, kahit nagbago na ang aking katayuan. Halimbawa, madalas akong manahimik kapag may kinakaharap, sa halip na sabihin ang nasasaisip. Maaaring ito ay isang lehitimong pagtugon, subalit ito ay hindi ko sadyang pinipili. Ito ay hindi pagtugon, ito ay reaksyon, insinasantabi ang respeto sa sarili hinggil sa takot at hinggil sa nakaugalian.
Ang aking pinakamahusay na alternatibo ay ang aminin na mayroon akong problema, tanggapin ang aking mga reaksyon, at ipaubaya ang mga ito sa aking Mas Mataas na Kapangyarihan. Madalas kong marinig na ang katapangan ay takot na nakapagpanalangin. Dapat kong kilalanin ang aking takot, dapat kong sabihin ang mga panalanging iyon, at dapat akong magkaroon ng pananampalataya habang naghihintay ako ng kagalingan.
Samantala, may mga mahahalagang paraan kung saan matutulungan ko ang aking sarili. Ang unang hakbang upang matutunang tumugon nang mas mabisa sa iba ay ang matutong tumugon nang mas mabisa sa sarili. Matututo akong tumugon nang may pagmamahal, pagmamalasakit, at paggalang sa aking sarili, kahit sa mga bahagi ko na nakakaranas ng takot, pagkalito, at galit.
Paalala sa Araw na Ito
Ngayon ay susubukan kong maging mas may kamalayan sa mga alternatibong hindi ko pa nakikilala.
“…Tinulungan ako ni Al-Anon na tanggapin ang katotohanan na, kahit na wala akong kontrol sa mga reaksyon o iniisip ng iba, maaari kong baguhin ang paraan ng aking reaksyon.”
…Sa Lahat Nating Gawain (…In All Our Affairs)