Nang isulat ko ang aking ika-apat na Hakbang na imbentaryo, nagdala ako ng isang kuwaderno na kasama ko araw at gabi. Ayokong iwan ang anumang bagay. Natuklasan ko ang aking unang depekto– pagkahumaling. Nagsusulat pa rin ako ng labing limang minuto bago ko ibihagi ang aking IkaLimang Hakbang.
Habang kinuha ko ang Hakbang na ito at ng basahina nang malakas ang aking mga salita, ang ilan sa aking mga pattern ay naging malinaw sa kauna-unahang pagkakataon. Ang aking pag-uugali ay nahalintulad sa alkohol. Ang kaibahan lamang ay ginawa ko ito ng matino– nakakabaliw, ngunit matino. Nakita ko kung gaano ko sinisi ang ibang mga tao para sa mga kaganapan sa aking buhay, kung paano ko personal na kinuha ang lahat, at kung paano ang aking mga reaksyon sa alkoholiko ay batay sa aking kinakatakutan.
Inaasahan kong magiging iba ang aking pakiramdam sa susunod na araw, ngunit wala ng masyadong nangyari maliban sa pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at medyo marupok. Ngunit nagsimula na ang pagbabago. Sa pagdaan ng panahon, nang makita ko ang aking sarili sa mga sitwasyong katulad ng nailarawan ko sa aking Pang-apat na Hakbang, napansin ko na ang aking mga reaksyon ay hindi gaanong matindi. Ang ilang mga bagay na nakakaabala sa akin ay hindi na mahalaga. Doon ko nalamang nagsimula na akong magbago.
Paalala Ngayon
Natututunan ko na ang “likas na katangian ng aking kalikasan” sa pamamagitan ng Labindalawang Hakbang. Nagtitiwala ako na malalaman ko kung ano ang kailangan kong malaman para sa ngayon, at iwanan ang iba sa ibang oras. Ako ay mahalaga.
“Kapag ginawa natin ang IkaLimang Hakbang … Nagpapakita ito ng isang pagpayag na magbago.”
… Sa Lahat ng Ating Gawain