Gustung-gusto ko noon ang katahimikan ng madaling araw, ngunit sa paglipas ng mga taon ng pamumuhay kasama ang isang alkoholiko, hindi ko na ito napansin. Sa halip, nagigising ako sa parehong paraan kung paano ako nakatulog. Bago ako bumangon sa kama ay mayroon na akong mahabang listahan ng mga krisis na nangangailangan ng aking atensyon. Kaya kahit anong aga kong bumangon, huli na ako. Minsan sa sobrang dami, hindi na ako makabangon.
Nagbago ang buhay ko. Narinig ko ang isang tao sa Al-Anon na nagsasabi na kapag binuksan nila ang kanilang mga mata sa umaga, binubuksan din nila ang kanilang mga tainga. Ngayon sa paggising ko, nakikinig ako sa mga ibon. Pinili kong huwag suriin ang aking mga plano para sa araw hangga’t di pa ako nakakapag-almusal. Mas gusto kong maglaan ng oras para pahalagahan ang paborito kong bahagi ng araw.
Tinutulungan ako ni Al-Anon na alisin ang mga pasanin sa aking isipan upang ma-enjoy ko ang kamangha-manghang sandali. Nagsisimula akong tamasahin ng parang isang bata ang pagkamangha tungkol sa karilagan ng kalikasan, upang makita ang kagandahan sa aking paligid, upang hayaan ang aking mukha na ngumiti ng kusa, tumawa, magmahal, mabuhay muli. Ngayon ay masasabi kong, “Magandang umaga, Panginoon”, sa halip na “Butihing Panginoon, umaga na”.
Paalala sa Araw na Ito
Ngayong araw na ito ay lubos kong pakikiramdaman ang aking mga pandama. Iisipin ko kung ano ang nararanasan ko sa sandaling ito. Hindi ko hahayaang mawala ang kagandahan ng araw na ito.
“Ang tunay na pagkabukas-palad patungo sa hinaharap ay binubuo sa pagbibigay ng lahat sa kung ano ang kasalukuyan.”
Albert Camus