Marami sa atin ang nagkakaroon ng mas mataas na kamalayan sa ating mga iniisip habang nagpapagaling tayo sa Al-Anon. Pagkaraan ng ilang sandali, mapapansin natin ang pagbabago kapag nabaluktot ang ating pag-iisip. Ngunit kung nais nating ihinto ang mga negatibong kaisipan, ang kamalayan ay simula pa lamang.
Kapag ang “masamang pag-iisip” ay kumapit sa akin, kailangan kong gumawa ng higit pa kaysa iwaksi ang mga negatibong kaisipan. Dapat kong palitan ang mga ito ng isang bagay na positibo o malamang na bumalik ako sa aking negatibong pag-iisip.
Ang aming grupo ay nag-order ng koleksyon ng Literaturang Inaprubahan ng Kumperensya ng Al-Anon (Al-Anon Conference Approved Literature) (CAL) awdyokaset (audiocassette) noong meron pa ng mga ito. Nakaugalian ko nang makinig sa kanila sa aking sasakyan kapag nagmamaneho ako sa paligid ng bayan. Kahit na ilang beses ko nang nabasa ang mga polyetong ito ng CAL, ang marinig ang mga ito na binibigkas nang malakas ay isang kakaiba at napakalakas na karanasan. Kung ang aking saloobin ay hindi maganda, ang pagsasaayos nito sa pamamagitan ng pakikinig sa Al-Anon na karunungan sa isang tape, sa isang pulong, o isa-sa-isa ay makapagpapabalik sa akin sa landas.
Paalala sa Araw na Ito
Ngayon ay pagtutuunan ko ng pansin ang sinasabi ko sa aking sarili. Kung kinakailangan, hihinto ako sa kalagitnaan ng pag-iisip, magsisimulang muli, at papalitan ang mga negatibong ilusyon ng mga positibong katotohanan.
“Kung ano ang itinuturo natin sa ating sarili sa ating mga iniisip at saloobin ay nasa atin.”
… Sa Lahat Naming Gawain (… In All Our Affairs)