HUNYO 26
Ang pagpapatawad ay maaaring pagbabago lamang ng ugali. Dumating ako sa Al-Anon na puno ng kapaitan sa alkoholiko sa aking buhay. Nang mapagtanto ko na ang aking kapaitan ay sinasaktan ako nang higit sa sinuman, nagsimula akong maghanap ng ibang paraan upang tingnan ang aking sitwasyon.
Nang maglaon, naniwala ako na ang aking alkoholikong mahal sa buhay ay maaaring ang mensaherong ginamit ng aking Mataas na Kapangyarihan upang ipaalam sa akin na kailangan kong humingi ng tulong. Hindi makatarungan na i-kadena siya ng utang o sisihin siya sa tagal ng panahon para bigyang-pansin ko ang mensaheng iyon. Pinili kong tiisin ang maraming hindi katanggap-tanggap na pag-uugali dahil ayaw kong aminin na kailangan ko ng tulong. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya gamit ang mga kasangkapan at kaalaman na mayroon ako, at naniniwala ako na ginawa niya rin ito. Kinalaunan ay nakarating din ang mensahe. Nakarating ako sa mga silid ng Al-anon, at ang aking buhay ay nagbago sa milagrosong paraan. Hindi ko itinatanggi na may mga masasakit na nasabi at nagawa habang nasa daan, ngunit ayoko nang dalhin pa ang pasanin ng kapaitan ng mas matagal. Sa halip, nagpapasalamat ako sa kung ano ang natutunan ko.
Paalala sa Araw na Ito
Hindi ko na hahayaang hilahin pa ako pababa ng mga lumang hinanakit. Bumubuo ako ng mas mabuti at mas mapagmahal na buhay ngayon.
“Ang pagpapatawad ay hindi paglimot, ito ay pagpapalaya sa pasakit.”
Mary McLeod Bethune