HUNYO 25
Sa Ika-anim na Hakbang ako ay ganap na handa para sa Diyos na alisin ang aking mga depekto ng pagkatao-yaong mga hadlang na nagpapanatili sa akin na maiiwanan, walang layang makapaglakbay sa napakagandang landas ng buhay. Kunin halimbawa ang pagkahabag sa sarili: ang mga oras na ako’y nanghihina sa pag-aakalang walang saysay ang buhay para sa akin, na hinding hindi ko magagawang matupad ang isang pangarap! Sa isang banda ay tama ako, dahil sa pagtutuon ng lahat ng oras ko sa awa sa sarili, tinitiyak ko na hindi ako gugugol ng oras sa paglaki. Paano kaya matutupad ang aking mga pangarap sa ilalim ng mga kondisyong iyon?
Inaalis ng aking Mas Mataas na Kapangyarihan ang aking mga depekto sa pamamagitan ng pagtulong sa akin na makita ang mga ito na nagtatrabaho, na humahadlang sa aking pang-araw-araw na buhay. Ngayon ay nakikilala ko ang pagkahabag sa sarili kapag ito ay gumagapang sa aking pag-iisip. Hindi ko maalis ang depektong ito nang mag-isa, ngunit nakikita ko kung ano ito—isang pag-aaksaya ng oras. Bagkus, ako ay mapagpakumbabang bumbaling sa aking Mas Mataas na Kapangyarihan, na nagbibigay sa akin ng kagalakan at kumpiyansa na ilagay ito sa lugar kapalit nito.
Paalala sa Araw na Ito
Hindi ako perpekto. Ang mga depekto ng karakter na dinala ko sa loob ng maraming taon ay hindi agad mawawala. Ngunit taglay ang pananampalataya at pag-asa, magagawa ko ang mga ito nang paisa-isa, sa bawat araw.
“Ang Diyos ay bihirang maghatid ng… mga birtud na lahat ay nakabalot sa isang pakete at handa nang gamitin. Sa halip ay inilalagay Niya tayo sa mga sitwasyon kung saan sa pamamagitan ng Kanyang tulong ay mapapaunlad natin ang mga birtud na iyon.”
C.R. Findley