Kapag nababagabag ako sa pag-uugali ng ibang tao, isang komplikadong sitwasyon, o isang nakakadismayang takbo ng pangyayari, ipinapaalala sa akin ni Al-Anon na hindi ko ito kailangang gawing personal. Hindi ako biktima ng lahat ng nangyayari maliban kung pipiliin kong makita ang aking sarili sa ganoong paraan. Kahit na ang mga bagay ay hindi palaging naaayon para sa akin, maaari kong tanggapin kung ano ang hindi ko kayang baguhin, at baguhin kung ano ang makakaya ko.
Marahil ay maaari kong ibahin ang pananaw sa aking mga problema. Kung tatanggapin ko ang mga ito bilang ito na hindi pinepersonal, maaari kong makita na ang mga ito ay hindi mga problema, mga bagay lamang na hindi nangyari sa kagustuhan ko. Ang pagbabagong ito ng saloobin ay makakatulong sa akin na masuri ang sitwasyon sa makatotohanang paraan at sumulong na kunstraktibo.
Paalala sa Araw na Ito
Ang paninisi sa aking pagkayamot sa mga labas na kaganapan ay maaaring maging isang paraan upang maiwasang harapin ang tunay na dahilan—ang aking sariling mga saloobin. Maaari kong makita ang aking sarili bilang isang biktima, o maaari kong tanggapin kung ano ang nangyayari sa aking buhay at maging responsable sa aking mga hakbang. Maaaring ako ay magabayan na kumilos o manatiling nakaupo, ngunit kapag nakinig ako sa patnubay ng aking Mas Mataas na Kapangyarihan ay hindi na ako magiging biktima ng mga pangyayari.
“Hindi nagtatanong ang Diyos sa tao kung tatanggapin niya ang buhay. Hindi iyon ang pagpipilian. Dapat mong kunin ito. Ang tanging ang pagpipilian ay kung paano.”
Henry Ward Beecher