“Marami ang nabuwal sa talim ng tabak, ngunit mas marami ang nabuwal sa dila.” Ang sipi na ito ay tumatawag pansin sa sandata na marami sa atin ay kilalang gamitin: pang-uuyam. Ang masakit na pananalita, salitang mapanukso, ang panunuya.
Kung makikita ko ang aking sarili na binibigkas ang mga salitang pag-atake na ito ay hindi ko ito kayang ipagmamalaki. Kaya bakit ko gagawin? Kapag ako ay nagagalit o nadidismaya maaari akong magkaroon ng panandaliang kasiyahan sa pag-iskor ng isang patama, pero nakukuha ba ng panunuya ang tunay kong ninanais? Makakatulong ba ang pag-atake sa ibang tao upang malutas ang problema sa pagitan namin? Ganito ba talaga ang gusto kong ugali? Syempre hindi.
Minsan pakiramdam ko wala akong magawa at nagagalit. Kapag nangyari iyon, maaari kong subukang tawagan ang isang Al-Anon na kaibigan o pagpunta sa isang pulong kung saan makakakuha ako ng ibang pananaw. Maaari kong isulat ang bawat masasamang salita na gusto kong sabihin at pagkatapos ay basahin ito sa aking Sponsor. Minsan ang sarap sa pakiramdam na lahat ay hayaang palabasin. Ngunit kailangan kong gawin ito nang naaangkop at hindi makasakit ng iba sa paggawa nito. Pagkatapos, magiging mas mahusay akong kumilos nang konstruktibo at makipag-usap sa paraang maipagmamalaki ko.
Paalala sa Araw na Ito
Karamihan sa atin ay nagdadala ng higit sa ating bahagi ng kahihiyan. Hindi ko dadagdagan ang problema sa pamamagitan ng paggamit ng malupit, matatalinong salita para ipahiya ang kapwa tao. Sa paggawa nito, maipapahiya ko ang aking sarili.
“Lahat ng tao sa isang alkoholik na sitwasyon ay nararapat at nangangailangan ng dagdag na mapagmahal na pangangalaga.”
Pamumuhay nang may Kahinahunan (Living with Sobriety)