Ang buhay ay hindi laging maayos o mapayapa, kahit na nais kong mangyari ito. Noong dati, kapag may bagay na bumabagabag sa akin, ako ay magwawalang kibo imbis na harapin ang isang argumento. Tila mas mabuti para sa akin na sumama ang loob kaysa subukin na sumama ang loob ng ibang tao. Ang resulta ay karaniwang nakapipinsala. Nagiging magagalitin ako at nawawala sa katwiran kapag hinahayaan kong lumala ang sama ng loob.
Ngayon, pinaghihinalaan ko na ang kahirapan ay may halaga na hindi ko pa nakikilala. Kapag nahaharap ako sa kahirapan at haharapin ang aking mga problema o ipahayag ang aking damdamin, ang mga bagay ay may pagkakataong bumuti. Kahit hindi nila, nilalabas ko ang ilang pressure na nararamdaman ko. Ako ay bago sa mga bagay na ito, at hindi ko pa ito nagagawa ng maayos: minsan nakakatakot, at kung minsan ang aking mga salita ay hindi agarang tinatanggap. Gayunpaman, gumaan ang pakiramdam ko nung napagtanto ko na sa wakas ay nagsimula na akong mamuhay ng ayon sa mga tuntunin ng buhay.
Sa pagbabalik-tanaw, nakikita ko kung gaano ako lumago. Hindi ko pipiliin ang alinman sa mga krisis sa aking buhay, ngunit mula nang makarating ako sa Al-Anon, natutunan ko na ang bawat problema ay makakatulong sa akin na magbago para sa aking ikabubuti, palalimin ang aking pananampalataya, at madagdagan ang aking pagpapahalaga sa sarili.
Paalala sa araw na ito
Ang salitang Tsino para sa krisis ay nakasulat na may dalawang karakter. Ang una ay kumakatawan sa panganib, at ang pangalawa para sa oportunidad, hahanapin ko ang kabutihang nakatago sa lahat ng bagay na aking nararanasan.
“Walang anumang bagay tulad ng problema na walang kaakibat na handog para sayo na nasa mga kamay nito.”
Richard Bach