Tinutulungan ako ng Al-Anon na mapagtanto na walang sinuman ang makakalaman kung ano ang nasa aking puso, isip, at kaluluwa. Hindi ko matutugunan ang aking mga pangangailangan maliban na lang kung maipapaliwanag ko kung ano ang mga pangangailangan na iyon. Hindi ko rin maaasahan ang sinumang tao na matutugunan ang lahat ng mga pangangailangan na iyon, kahit na linawin ko ang mga ito. Kung ang unang taong hiningian ko ng tulong ay hindi maibigay ito, maaari akong magtanong sa iba. Inaalis nito ang presyur sa ating lahat.
Bago ko sinimulan ang paggaling ko sa Al-Anon, inaasahan kong malalaman ng mga pinakamalapit na mga tao sa akin kung ano ang nararamdaman ko nang hindi ko sinasabi sa kanila. Kapag ako ay galit at nais na makipagtalo, tahimik akong nagsisiklab ng galit. Kapag ako ay nasaktan at nangangailangan ng aliw, ngumu-nguso ako. Kapag gusto ko ng atensyon, hindi ako tumitigil sa pagsasalita. Hindi ko maintindihan kung bakit bihira akong makakuha ng mga sagot na inaasahan ko!
Hindi ko na inaasahan na may makakabasa sa aking isipan. Tanggap ko rin na hindi ko mababasa ang isip ng aking mahal sa buhay. Ngayon tinatrato ko ang mga tao sa aking buhay ng may higit na paggalang sapagkat natututo akong humiling para sa kung ano ang kailangan ko at hihikayatin ang iba na gawin din ito.
Paalala Ngayon
Ang tulong, aliw, at suporta ay mayroon sa akin. Handa akong maabot ang kailangan ko ngayon. “… Hindi ko maaasahan na may makakatulong sa akin maliban kung handa akong ibahagi na kailangan ko ng tulong. “
Sa lahat ng ating Ugnayan