Nang una kong simulang pagtrabahuhan ang Mga Hakbang, ang pag-iisip na alisin ang aking mga hindi magandang pag-uugali ay labis akong kinakabahan.Sa tingin ko ay matutulad ako sa isang tipak ng keso na puno ng mga butas. Ngunit nais kong bumuti at patuloy akong natitiyak na ang Mga Hakbang ay ang susi ng aking paggaling, kaya’t nagpatuloy ako sa kabila ng aking kinakatakutan. Kailangan kong tanggapin ang mga peligro at kumilos ayon sa pananampalataya bago ko matanggap ang mga regalong ibinibigay sa akin ng aking Mas Mataas na Kapangyarihan.
Wala sa Hakbang Apat hanggang sa ika-pito na humihiling tayo sa Diyos na magdagdag ng anumang bagay, sa halip ay alisin ang mga bagay na hindi naman natin kailangan. Nalaman ko na ang bawat depekto na tinatanggal ay nagtatago ng halaga. Hindi ako nawalan nng katinuan. Sa halip, sa aking pagbitiw sa mga bagay na hindi ko kailangan, gumawa ako ng puwang para sa aking mga kalakasan, kasanayan, at damdamin upang mas maging ganap na isang bahagi ng aking buhay. Naginhawaan ako dito, sapagkat pinapaalala nito sa akin na ang lahat ng kailangan ko ay naroroon na. Ngunit hindi ako nakatitiyak hanggang sa magawa ko ang Mga Hakbang at matagpuan ang ilang kaluwagan sa aking mga pagkukulang.
Paalala Ngayon
Alam ng Diyos ang eksaktong kailangan ko at ibinibigay niya sa akin. Ang aking trabaho ay gawing simple ito at humingi ng tulong sa Diyos sa pag-alis sa akin ng labis na mga bagay – ang mga pagkukulang na nakatali sa akin.
“Bago lumiwanag ang sikat ng araw sa isang bintana, dapat itaas ang mga blinds.”
Kawikaan ng Amerikano