Alam kong may problema ako: Handa akong itapon ang taong mahal na mahal ko sa buhay dahil lamang sa nag-iwan siya ng mga maruming hugasing pinggan sa lababo. Halatang sumobra ako sa aking reaksyon, at hindi ko kinayang kumalma. Kinuha ko ang telepono at tinawagan ang isang kaibigang Al-Anon.
Pagkatapos akong pakinggan, binanggit niya na tila galit ako hindi lamang tungkol sa maruruming pinggan. Natitiyak kong oo. Para sa akin, ang mga hugasing pinggan na iyon ay katibayan ng isang buong patern ng kawalan ng respecto. Sinabi niya na siya rin ay nainis at naging martir kapag paulit-ulit na nahaharap sa parehong sitwasyon, ngunit sa tuwing sinusubukan niyang ayusin ang lahat ng mga problema ng kanyang relasyon sa isang araw, siya ay nabibigo at batid nyang imposible itong gawin. Sa halip, sinubukan niyang harapin ang isang sitwasyon sa bawat isang pagkakataon.
Hanggang ngayon ay ayaw ko pa din ng maduming mga hugasin, ngunit hindi ko na ito kailangang bigyan ng malalim na pakahulugan. Natutunan kong tingnan ang mga bagay ng ayon sa kanilang tunay na halaga. Minsan ang maruruming pinggan ay maruruming pinggan lang.
Paalala ngayong araw
Bakit kailangan kong pahirapan ang aking sarili na palakihin pa ang mga bagay-bagay? Maaari ko namang ayusin ang mga problema ng paunti-unti.
“Ang tunay na layunin ng Al-Anon ay tulungan tayo na ayusin ang mga mahihirap na sitwasyon sa ating buhay, at maaari lamang itong gawin ng paisa-isang araw.”
Isang Araw sa Isang Oras sa Al-Anon
(One Day at a Time in Al-Anon)