Sa gitna ng patuloy na kaguluhan at drama na pumapaligid sa karamihan ng mga alkoholiko, maraming miyembro sa pamilya at mga kaibigan ang humihinto sa pagpansin sa nangyayari sa kanilang sarili. Isang bagay na mas mahalaga at nagbabanta sa buhay ang laging gumagambala. Sa Al-Anon natututo kaming magbigayng pansin sa aming sariling pag-uugali, saloobin, at damdamin. Karapat-dapat sa amin ang atensiyong ito, at kailangan din namin ito.
Ngunit ang pagtuon sa ating sarili ay hindi nangangahulugang hinahayaan na nating tapakan tayo ng ibang tao at magpanggap na hindi natin ito napapansin, o na ang anumang gawin ng iba sa atin ay katanggap-tanggap. Hindi rin ito nagpapahiwatig na dapat nating ihinto ang pagmamalasakit sa ating mga mahal sa buhay. Ang pagtuon sa ating sarili ay nangangahulugan lamang na kapag kinikilala natin ang sitwasyon sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang ating mga pagpipilian, sa halip na tingnan ang mga pagpipiliang ng ibang tao. Isinasaalang-alang namin kung paano namin babaguhin ang aming sarili sa halip na asahan ang iba na gawin na gawin ito para sa amin. Bilang resulta, mas malaki ang tiyansa na malutas anf isang aming mga problema at humantong sa mas maayos na pamumuhay.
Paalala Ngayon
Ngayon, kung nababagabag man ako, susuriin ko ang sitwasyon at isasaalang-alang ang aking mga pagpipilian. Hindi ako maghihintay at aasa sa iba upang magbago, ngunit tututok sa aking sarili at sa bahaging magagawa ko upang gawing ng mas mahusay ang sitwasyon nasan ako.
“Walang makapagdadala sa iyo ng kapayapaan kundi ang sarili mo.”
Ralph Waldo Emerson