Noong sumali ako sa Al-Anon, mayroon akong malapit na kamag-anak na malakas uminom, at alam kong hindi ako masaya dahil dito, ngunit hindi ko akalain na kailangan ko pala ng tulong ng Al-Anon. Pumupunta ako sa mga pagpupulong kada-linggo maliban na lamang kung may iba akong gagawin o wala akong Isponsor. Lumago ako ng dahan-dahan.
Isang krisis ang nagwakas sa aking unti-unting pag-galing. Noong nawala sa akin ang isang espesyal na tao, napakasakit nito na parang di ko na kayang tiisin. Masuwerte ako dahil may sumagot sa aking tawag sa Al-Anon. Ang taong iyon ang tumulong sa akin na malagpasan ang krisis na ito, pero simula pa lamang ito. Kailangan na kailangan ko talaga ang tulong ng Al-Anon. Nagsimula na akong dumalo sa mga pagpupulong kada linggo, pagbibigay serbisyo, at pagtawag sa mga kaibigan ko sa Al-Anon. Mabilis ang aking paggaling! Ngayon, ang pagsunod sa programa ang isa sa mga prayoridad ko sa aking buhay dahil alam kong ito ang nakapagpagaling sa sugat na dulot ng krisis noon.
Paalala Ngayon
Minsan ang pinakamalaking pag-unlad sa sarili ay mula sa sakit na dulot ng krisis, pero hindi ang sakit na ito ang tumulong sa akin na lumago, ang pagtugon ko dito. Magdurusa ba ako sa aking karanasan at magpatuloy o gamitin ang sakit na dulot ng krisis ang magbibigay inspirasyon na tutulong para sa aking pag-unlad? Nasa akin ang desisyon.
“Natutunan ko sa Al-Anon na tingnan lahat ng oportunidad sa paglago sa bawat sitwasyon. Ang pananaw ko na ito ang nagpalakas ng aking ispiritwal na paniniwala mula sa sakit na aking naranasan.”
… Mabuhay