Habang panahon kong pagmamasdan ang aking mga kaibigan at mga estranghero na nagkakamabutihan: “Mas maganda sana siya kung…” o di kaya, “Mas madali siyang pakisamahan kung…”
Ang Ika-Sampung Hakbang ang aking pang-araw-araw na paalala upang mawala ang mga ganitong kaisipan. Pinapaalala nito na patuloy kong gawin ang aking mga gawain at tanggapin ang mga pagkakamali ko.
Araw-araw ay iniisip ko kung ano ang gagawin kong pagpapabuti sa aking sarili. Paano ako uunlad ngayong araw? Anong gagawin ko para umunlad ang aking sarili? Mayroon ba akong matutunan ngayon? Mayroon bang bagong hamon ang aking kakaharapin? Mayroon ba akong takot sa nakaraan na kailangan ko ng tapusin? Mayroon bang bagong kasiyahan ang aking mararanasan? Ang Ika-Sampung Hakbang ang nagpapaalala sa akin na maging totoo ako sa aking sarili, pagkilala sa aking mga nagawa, pagtanggap sa aking mga pagkakamali, at tanggapin ang mga oportunidad na puwedeng dumating ngayon.
Paalala Ngayon
Kapag sinusubaybayan ko ang aking mga gawain sa pang-araw-araw, hindi na ako natatakot sa malabong mangyari kung saan nagsisimula ang pagkabigo. Alam kong dito ko makakamtan ang aking tunay na kalayaan.
“Huwag kang mahiya sa mga pagkakamaling nagawa mo noon kundi sabihin mong mas magaling na ako ngayon kaysa kahapon.”
Alexander Pope