Bagaman maraming paraan para paamuhin ang isang kabayo, mayroon namang karaniwang kasunduan sa isang banda: Ang importante ay huwag mong sirain ang diwa at tiwala nito. Ang mga bisiro, mga tuta, at ang mga bata ay punong-puno ng kasiyahan sa kanilang buhay. Anong nanagyari sa aking kasiyahan? Alkoholismo, kung saan bahagi na ito ng henerasyon ng aking pamilya, ang sumira sa aking pagkatao.
Ang Al-Anon ang nagbigay sa akin ng isang samahan, isponsor, at Labindalawang Hakbang at mga Tradisyon na nagbigay liwanag at pag-asa sa aking pagkatao. Ang aking paggaling ay nagsimula noong tumigil na akong labanan ang paniniwala ng ibang tao at natagpuan ko ang Diyos na nangingilala sa akin bilang ako. Siya ang Diyos na nakakapagpagaling at nakakapagpalabas sa kung sino talaga ako.
Ngayon ay taos-puso akong nakakapagpasalamat ipagdiwang ang aking buhay. Ito ang isa sa mga paraan ng paglapit sa aking Diyos.
Paalala Ngayon
Ipagdiwang natin ang araw na ito para sa ispiritu. Para pa rin akong bata na may pagkakuryusidad, paghanga, pagkamasigasig at galak. Itatabi ko na muna ang aking mga problema at pahalagahan ang aking buhay.
George Bernard Shaw