Tayong mga tao ay kamangha-manghang madaling makibagay. Nakakahanap tayoo ng mga malikhaing solusyon sa mga imposibleng sitwasyon. Ang isang kasanayan sa pakikitungo ay ang pagmamanipula ng ibang mga tao upang makuha ang nais natin. Ang alkoholismo ay maaaring lumikha ng isang nagbabantang kapaligiran na ang pagmamanipula ay tila kinakailangan. Ngayon, sa tulong ng Al-Anon, natututo kaming gumawa ng higit pa sa mabuhay lamang, at ang gayong pagmamanipula ay hindi kinakailangan at hindi katanggap-tanggap. Sa Al-Anon natututunan natin ang mas malusog na mga paraan upang matugunan ang ating sariling mga pangangailangan at pagkilos sa ibang tao.
Ang pagmamanipula ay naging isang normal na bahagi ng aking buhay sa mahabang panahon na nakalimutan ko kung paano magkaroon ng isang maayos na pakikipag-usap o gumawa ng isang direktang kahilingan. Sa tuwing nais kong may maghugas ng pinggan, sinubukan kong konsensyahin sila sa pamamagitan ng pagsasabi kung magkano ang mga nagawa ko para sa kanila, o nagrereklamo ako na hindi nila ginagawa ang kanilang bahagi. Hindi ko naisip na maaari kong magkiusap nang simple at magalang para sa kung ano ang gusto ko, o tanggapin na ang aking kahilingan ay hindi nila kayang ibigay! Ngunit natututo naman ako. Sa paisa-isang araw ay unti unti matututo ako.
Paalala Ngayon
Ngayon ay lumilikha ako ng isang mas mahusay na paraan ng pamumuhay, walang kasalanan at panlilinlang.
“Maaari nating piliing kumilos ng may personal na integridad, hindi dahil sa magpapaginhawa ito sa iba, ngunit ito ay sumasalamin sa isang paraan ng pamumuhay na nagpapayaman at nagpapagaling sa atin.”
Mabuhay..!