Sa oras na maabot natin ang Al-Anon, marami sa atin ang nagugutom upang mapakingan. Nalaman namin na maaari kaming maglabas ng aming mga saloobin at hinanakit sa tuwing kami ay nasa Al-Anon. Nagbabahagi kami, at ang mga tao sa paligid namin ay sumasang-ayon nang may pagkaunawa. Nakikipag-usap sila sa amin pagkatapos ng mga pagpupulong at pinasasalamatan nila kami sa pagbabahagi. Sa wakas ay napapakinggan at pinahahalagahan na tayo. Ang atensiyon na ito ay nakakapanibago na minsan ay nakakatuksong gawin ito ng labis. Marami sa atin ang natatakot na bitawan ang pagkakataong ito upang magsalita, na parang ito na ang huling pagkakataon. Ngunit kapag ang sinumang miyembro ay regular na nangingibabaw sa pagbabahagi sa mga pagpupulong, buong grupo ang naghihirap.
Alinsunod sa ating mga Tradisyon, ang kagalingan ng pangkat ay dapat na mauna. Iyon ang isang kadahilanan na ang sponsorship ay isang napakahalagang kasangkapan. Ang ating mga pangangailangan sa self-expression ay totoo at dapat na tugunan. Ang isang Sponsor ay maaaring magbigay sa atin ng oras at pansin na kinakailangan upang pag-usapan ang tungkol sa ating sarili at sa ating buhay.
Paalala Ngayon
Mahalaga ang aking mga pangangailangan. Tinutulungan ako ni Al-Anon na makahanap ng naaangkop ng mga paraan para ito’y matugunan. Maaalagaan kong mabuti ang sarili ko ngayon.
“Ang mga personal na detalye ay mas mahusay na maiwan sa isang Sponsor na maaaring makinig at panatilihin ang isang kumpiyansa – isang taong alam ang lahat tungkol sa iyo at tatanggapin ka kahit sino at ano ka man.”
Sponsorship-What It’s All About