Pagdating ko sa Al-Anon hindi ko naramdaman. Noong nawalan ako ng trabaho, sabi ko, “Walang problema, kaya ko naman.” Nung nagkaanak kami, sabi ko, “Walang problema, ito ay isang araw lang na naman.” Wala man lang makapagpagalaw sa akin. Parang isa nang patay.
Tiniyak sa akin ng mga kaibigan kong Al-Anon na mayroon akong nararamdaman, ngunit nawalan ako ng kaugnayan sa kanila sa paglipas ng mga taon ng pamumuhay nang may alkoholismo at pagtanggi sa bawat pahiwatig ng galit, saya, o kalungkutan. Habang nagsisimula akong gumaling, nagsimula akong makaramdam, at ito ay lubhang nakalilito. Pansamatala ay naisip ko na baka mas lalo akong nagkakasakit kaysa dati dahil ang mga damdamin ay hindi komportable, ngunit tiniyak sa akin ng aking mga kaibigang Al-Anon na ito ay bahagi lamang ng proseso. Handa akong maranasan ang mga damdamin, at ang kakulangan sa ginhawa ay lumipas. Unti-unti akong mas naging buo.
Hangga’t pinanatili ko silang nakakulong sa loob ko, ang aking damdamin ay masakit at makamandag na mga lihim. Nang ilabas ko sila, naging ekspresyon sila ng aking sigla.
Paalala sa Araw na Ito
Ngayon ay titigil ako paminsan-minsan para makita ang nararamdaman ko. Marahil ang araw ay magdadala ng kagalakan o marahil ng kalungkutan, ngunit alinman ay magpapaalala sa akin na ako ay buhay na buhay.
“Hindi ko ipagpapalit ang tawa ng aking puso para sa kapalaran ng karamihan; ni hindi ako makuntento sa pagbabago ng aking mga luha… sa kalmado. Ito ang aking maalab na pag-asa na ang aking buong buhay sa mundong ito ay magiging luha at halakhak.”
Kahlil Gibran