Categories
Abril

April 14

Marami sa atin ang nagkakaroon ng mas mataas na kamalayan sa ating mga iniisip habang nagpapagaling tayo sa Al-Anon. Pagkaraan ng ilang sandali, mapapansin natin ang pagbabago kapag nabaluktot ang ating pag-iisip. Ngunit kung nais nating ihinto ang mga negatibong kaisipan, ang kamalayan ay simula pa lamang.

Kapag ang “masamang pag-iisip” ay kumapit sa akin, kailangan kong gumawa ng higit pa kaysa iwaksi ang mga negatibong kaisipan. Dapat kong palitan ang mga ito ng isang bagay na positibo o malamang na bumalik ako sa aking negatibong pag-iisip.

Ang aming grupo ay nag-order ng koleksyon ng Literaturang Inaprubahan ng Kumperensya ng Al-Anon (Al-Anon Conference Approved Literature) (CAL) awdyokaset (audiocassette) noong meron pa ng mga ito. Nakaugalian ko nang makinig sa kanila sa aking sasakyan kapag nagmamaneho ako sa paligid ng bayan. Kahit na ilang beses ko nang nabasa ang mga polyetong ito ng CAL, ang marinig ang mga ito na binibigkas nang malakas ay isang kakaiba at napakalakas na karanasan. Kung ang aking saloobin ay hindi maganda, ang pagsasaayos nito sa pamamagitan ng pakikinig sa Al-Anon na karunungan sa isang tape, sa isang pulong, o isa-sa-isa ay makapagpapabalik sa akin sa landas.

Paalala sa Araw na Ito

Ngayon ay pagtutuunan ko ng pansin ang sinasabi ko sa aking sarili. Kung kinakailangan, hihinto ako sa kalagitnaan ng pag-iisip, magsisimulang muli, at papalitan ang mga negatibong ilusyon ng mga positibong katotohanan.

“Kung ano ang itinuturo natin sa ating sarili sa ating mga iniisip at saloobin ay nasa atin.”

… Sa Lahat Naming Gawain (… In All Our Affairs)

English Translation

APRIL 14

Many of us develop a heightened awareness of our thoughts as we recover in Al-Anon. After a while, we are able to notice the change when our thinking becomes distorted. But if we wish to put a stop to negative thoughts, awareness is just the beginning.

When “stinking thinking” takes hold of me, I must do more than just dismiss the negative thoughts. I must replace them with something positive or I am likely to slide right back into my negative thinking.

Our group ordered a collection of Al-Anon Conference Approved Literature (CAL) on audiocassettes when they were available. I have gotten into the habit of listening to them in my car when I’m driving around town. Even though I had read these CAL pamphlets many times before, hearing them spoken out loud is a different and very powerful experience. If my attitude is not good, adjusting it by listening to Al-Anon wisdom on a tape, at a meeting, or one-to-one can get me back on track.

Today’s Reminder

Today I’m going to pay close attention to what I tell myself. If necessary, I’ll stop in mid-thought, start over, and replace negative illusions with positive truths.

“What we teach ourselves with our thoughts and attitudes is up to us.”

… In All Our Affairs