OKTUBRE 25
Ang isa sa aking mga depekto sa pagkatao ay ang paggawa ng mga pagpipilian nang pasibo-pabayaang mangyari ang mga bagay sa halip na kumilos. Halimbawa, tumayo ako at pinanood ang aking mga anak na dumaranas ng pang-aabuso dahil hindi ako makapagdesisyon at sundin ito. Lubhang akong naapektuhan ng alkoholismo, at hindi ko kayang gawin ang iba noong panahong iyon. Ito ang pinakamahusay na magagawa ko sa panahon ng mga pangyayari, ngunit ang pinsala ay nagawa, at may utang akong humingi ng tawad.
Ang isang paraan upang makabawi ay ang pagtigil sa pagpapatuloy ng depekto. Sa bawat bahagi ng aking buhay maaari kong itanong sa aking sarili: Inaako ko ba ang responsibilidad para sa aking mga pagpipilian ngayon? Gumagawa ba ako ng positibong kontribusyon sa aking mga pagpupulong, o ipinapalagay ko ba na ibang tao ang bahala sa lahat? Gumagawa ba ako ng mga pagpipilian na maipagmamalaki ko sa bahay, sa trabaho, at sa aking komunidad, o hinahayaan ang mga pagpipilian na gawin para sa akin?
Paalala sa Araw na Ito
Walang opinyon si Al-Anon sa mga isyu sa labas. Hindi nito tinutukoy ang aking mga responsibilidad o pinipili ang aking mga pinagpapahalagahan. Ito ay naghihikayat sa akin na tukuyin ang aking mga pinahahalagahan, na tanggapin ang responsibilidad para sa mga pagpipilian na ginagawa ko na, at gumawa ng mga pagbabago kung saan ako nakagawa ng pinsala. Hindi ko kailangang isipin na ako ay isang biktima ng hindi nakikitang pwersa na nagdudulot ng mga sakuna. Ngayon ay maaari akong gumawa ng mga aktibong pagpili.
“Ang paggawa ng mga pagbabago ay hindi lamang pagsasabi ng, ‘Patawad’ (‘I’m sorry.’) Nangangahulugan ito ng ibang pagtugon batay sa ating bagong pagka-unawa.”
Sa Aming Pagkakaunawa… (As We Understood…)