Categories
August

August 23

AGOSTO 23

Nagkaroon ako ng matinding takot na makagawa ng pagkamali. Tila napakahalaga upang maisaalangalang ang bawat posibleng kahihinatnan, dahil ang mga pagkakamali ay madalas na humantong sa isang pag guho ng mga akusasyon at pang-aabuso mula sa alkoholiko at kalaunan mula sa aking sarili. Ang aking pagpapahalaga sa sarili ay nababawasan dahil ang kaunting pagkakamali ay naramdaman ko na napakalaki at hindi ko ito maaaring pabayaan. Kaya’t sinimulan kong pagtakpan at ikatwiran ang aking mga pagkakamali, habang pilit kong sinisikap na mapanatili ang isang hitsura ng perpektong pag kontrol sa sarili.

Sa Al-Anon natutunan kong alisin ang matibay na pader na iyon ng tila pagiging perpekto, tapat na aminin ang mga pagkakamali, at buksan ang aking sarili para sa paglaki. Ika-Sampung Hakbang, kung saan patuloy akong nag-iimbentaryo at agad na umaamin kapag ako ay mali, ito ay nagiging malaya dahil hinahamon ako nito araw-araw na maging tapat. Minsan alumpihit ako, pero alam kong kapag sinabi ko ang totoo, malaya ako sa mga kasinungalingang pumipigil sa akin. Tulad ng sinabi ni Mark Twain, “Kung sasabihin mo ang totoo, wala kang dapat tandaan.”

Paalala sa Araw na Ito

Malamang na magkakamali ako ng ilang uri sa bawat araw ng aking buhay. Kung tinitingnan ko ito bilang isang personal na kabiguan o nagpapanggap na walang mga pagkakamaling naganap, ginagawa kong hindi mapangasiwaan ang aking buhay. Kapag huminto ako sa pakikibaka upang maging perpekto at aminin kapag ako ay mali, maaari kong iwanan ang pagkakasala at kahihiyan. Iyon ay dahilan para sa pagsasaya.

“Tulungan silang tanggapin ang kabiguan, hindi bilang isang sukatan ng kanilang halaga, ngunit bilang isang pagkakataon para sa isang bagong simula.”

Aklat ng Karaniwang Panalangin (Book of Common Prayer)

English Translation

AUGUST 23

I developed a tremendous fear of making mistakes. It seemed crucial to cover every
possible outcome, because mistakes often led to an avalanche of accusations and abuse from
the alcoholic and eventually from myself. My self-esteem diminished because the slightest
error felt huge and I couldn’t let it go. So I began to cover up and rationalize my mistakes,
all the while desperately trying to maintain an appearance of perfect self-control.

In Al-Anon I learned to take down that rigid wall of seeming perfection, to honestly admit
mistakes, and to open myself for growth. Step Ten, in which I continue taking my inventory
and promptly admit when I am wrong, has been liberating because it challenges me daily to
be honest. Sometimes it makes me squirm, but I know that when I tell the truth, I am free of
the lies that held me back. As Mark Twain put it, “If you tell the truth, you don’t have to
remember anything.”

Today’s Reminder

I will probably make a mistake of some sort every day of my life. If I view this as a personal
failing or pretend that no mistakes have occurred, I make my life unmanageable. When I stop
struggling to be perfect and admit when I am wrong, I can let go of guilt and shame. That is
cause for rejoicing.

“Help them to take failure, not as a measure of their worth, but as a chance for a new start.”

Book of Common Prayer