HULYO 7
Naisip ko na sa bawat salungatan, sa bawat paghaharap, may palaging mayroong may kasalanan. Ito ay mahalaga upang italaga ang sisihin at ako ay nababahala sa oras na nagtitimbang ng ebidensya. Naging talamak akong scorekeeper. Dahil nilalapitan ko ang bawat sitwasyon na may ganitong saloobin, nilamon ako ng pagkakasala at galit. Depensibo at balisa, sinisigurado kong laging protektado ang aking likod.
Tinutulungan ako ni Al-Anon na maunawaan na lumalabas ang mga hindi pagkakaunawaan kahit na ginagawa ng lahat ang kanilang makakaya. Ang obsesyon sa pag tanaw sa gawi ng lahat ay nagtutuon sa aking pansin kung saan ito hindi nararapat at pinapanatili akong masyadong abala upang magkaroon ng anumang katahimikan. Sa halip, maaari kong isaalang-alang ang bahagi na ako ay mayroong ginampanan. Kung nagkamali man ako, malaya akong humingi ng tawad.
Ngayon alam ko na ang salungatan ay hindi palaging isang indikasyon na ang isang tao ay mali. Ang mga paghihirap ay maaaring dumating. Minsan ang mga tao ay talagang hindi nagkakasundo.
Paalala sa Araw na Ito
Ngayon ay tinatanggap ko na ang bawat buhay ay may bahagi ng salungatan. Hindi ko trabaho na idokumento ang bawat pangyayari. Sa halip na pigain ang aking mga kamay at magturo, maaari kong isaalang-alang ang posibilidad na ang lahat ay nangyayari nang eksakto sa dapat mangyari. Minsan, ang sisihan ay isang dahilan lamang upang maging abala upang hindi ko na maramdaman ang aking kakulangan at kawalan ng lakas.
“Ang isip ay lumalago sa kung ano ang pinapakain dito.”
Josiah G. Holland