HUNYO 27
Isang araw nakatanggap ako ng tawag mula sa isang bagong dating sa Al-Anon. Nag-chat kami sandali, at pagkatapos ay tinanong niya kung isasaalang-alang ko ang pagiging Sponsor niya. nabigla ako! Hindi ko inaasahan na may magtatanong sa akin! Nakaramdam ako ng labis na pagpapakumbaba at labis na pasasalamat ng magkasabay.
Ngunit lumaki na ba ako nang sapat para mag-alok ng tulong sa iba? May maibibigay ba ako? Makakarating ba ako para sa iba na hindi mawawala ang aking sarili? Nangibabaw ang takot sa isang saglit, ngunit pagkatapos ay naalala ko na hindi niya hinihiling sa akin na maging kanyang tagapagligtas, kundi ang kanyang katulong, na ang halimbawa at karanasan ay maaaring humantong sa kanya sa kanyang sariling paggaling.
Alam ko na ang aking mas Mataas na Kapangyarihan ay nagdadala ng mga tao sa aking buhay na makakatulong para lumaki ako. Kaya’t saglit akong nagdasal, humihiling na maging karapat-dapat, at sumagot na karangalan kong maging Sponsor niya.
Paalala sa Araw na Ito
Ang pagiging Sponsor ay kasing halaga ng paglingap sa sarili kaantabay sa ibang tao. Hindi ito pabor. Ang pag-sponsor ay nagbibigay sa akin ng pagkakataong magbahagi nang malapitan, magmalasakit, magsanay lumayo nang may pagmamahal, at ilapat ang mga alituntunin ng Al-Anon nang mas may kamalayan kaysa dati. At, kung makikinig ako sa sarili kong mga salita, nalaman kong karaniwan kong sinasabi sa mga itinataguyod ko kung ano mismo ang kailangan kong marinig.
“Ibigay mo kung ano ang mayroon ka. Sa isang tao, maaaring ito ay mas mabuti kaysa sa kaya mong isipin.”
Henry Wadsworth Longfellow