Upang mabuhay sa magkasalungat at sumasabog na mundo ng alkoholismo, marami sa atin ang natutong huwag pansinin ang ating nararamdaman. Nawalan tayo ng ugnayan sa ating sarili nang hindi natin nalalaman.
Halimbawa, bagama’t itinuro ko ang isang daliri ng pagbibintang sa mga alkoholiko sa aking buhay para sa pag-iwan sa akin sa oras ng pangangailangan. Hindi ako naging mabuting kaibigan sa aking sarili. Sa aking takot at pagkalito. Lumayo ako mula sa maliit na bata sa akin na namuhay nang simple, na umiyak nang mamatay ang pusa at pagkatapos ay pinabayaan ito, na pahalagahan ang paglubog ng araw at hindi gustong magkaroon nito, at nabuhay nang paisa-isa.
Ang rekoberi ay hindi nangangahulugan na kailangan kong maging ibang tao. Nangangahulugan ito na kailangan kong bumalik sa aking sariling kasinuhan. Ang mga aral na natututuhan ko sa Al-Anon ay mga aral na alam ko na. Kailangan ko lang alalahanin.
Paalala sa Araw na Ito
May isang kamusmusan sa loob ko na alam na kung paano magtiwala sa aking Mas Mataas na Kapangyarihan, upang pahalagahan ang buhay habang hinahawakan ito nang magaan, upang mabuhay nang buo at simple sa kasalukuyang sandali. Hahayaan ko ang bahaging iyon ng aking sarili na lumapit at alagaan ako habang nagpapatuloy ako sa paglalakbay na ito.
“Ito ay tumatagal ng isang mahabang panahon upang maging musmos.”
Pablo Picasso