Categories
Marso

March 10

Ang bahagi ng aking paggaling ay nagsasangkot ng pagbaliktad at pagbabago ng ilang mga dating paraan ng aking pag-iisip. Nasanay na akong iwasan ang masakit na mga karanasan at sitwasyon, upang ligtas na manigurado at upang lumayo sa peligro. Ngunit ang buhay ay nagsasangkot ng sunud-sunod na peligro, at ang ilang sakit ay hindi maiiwasan. Tinutulungan ako ng Al-Anon na tanggapin kung ano ang mga ito.

Sa halip na tumakas, natututo akong hanapin kung saan nagmumula ang aking pagkabalisa. Bilang isang resulta, nalaman kong ang sakit ay mas mabilis na nawawala, at ang nakukuha ko ay kalayaan mula sa takot. Binibigyan ako ng Al-Anon ng mga kasangkapan, tulad ng imbentaryo ng Ika-apat na Hakbang, kung saan maaari kong tingnan nang matapat ang aking sarili at ang aking sitwasyon. Ang isang sumusuportang Sponsor, aking Mas Mataas na Kapangyarihan, ang Mataimtim na Pananalangin, at maraming mga pagpupulong sa Al-Anon ay tumutulong sa akin na makahanap ng lakas ng loob na harapin ang sakit, takot, at panganib.

Kapag iniiwasan ko ang pakikipagsapalaran sa mga panganib, palaging nasa akin ang takot, para bang itp’y nasa balikat ko lamang. Ngayon ay nalalagpasan ko ito at madalas na hindi ako nasasaktan. Hindi ko na kailangang mangamba para sa mga potensyal na panganib. Sa halip, maaari akong magtuon para sa aking sariling pamumuhay.

 

Paalala Ngayon

Ang mga kamangha-manghang bagay ay maaaring mangyari ngayon dahil tinatanggap ko ang kagalakan ng pakikilahok sa aking sariling buhay.

 

“Ang pag-iwas sa panganib ay hindi mas ligtas sa katagalan kaysa sa tuwirang pagkakalantad. Ang buhay ay isang mapangahas na pakikipagsapalaran o di naman kaya ay walang katuturan.”

 

Helen Keller

English Translation

Part of my recovery has involved reversing some old ways of thinking. It had been my habit to avoid painful feelings and situations, to play it safe and keep away from risk. But life involves one risk after another, and some pain is unavoidable. Al-Anon helps me to accept what is.

Instead of running away, I am learning to look a the source of my distress. As a result, I find that pain passes much more quickly, and what I gain is freedom from fear. Al-Anon gives me tools, such as the Fourth Step inventory, with which I can take an honest look at myself and my situation. A supportive Sponsor, my Higher Power, the Serenity Prayer, and many Al-Anon meetings help me to find the courage to deal with fear, pain, and risk.

When I was avoiding taking risks, fear was always with me, just over my shoulder. Now I go through it and come out the other side, often unscathed. I no longer have to keep a constant watch for potential dangers. Instead, I can occupy myself with living.

 

Today’s Reminder

Wonderful things can happen today because I welcome the thrill of participating in my own life.

 

“Avoiding danger is no safer in the long run than outright exposure. Life is either a daring adventure or nothing.”

Helen Keller