HULYO 31
Ang pinagmumulan ng alitan sa pagitan ng aking alkoholikong mahal at sa aking sarili ay palaging gawaing-bahay. Karaniwang pakiramdam ko ay labis akong nalulula sa lahat ng mga bagay na kailangang gawin kaya hindi ako makapag-ayos. Kaya kapag umiinom siya, nagagalit siya tungkol sa kung ano ang kailangan ng pag-aalis ng alikabok, pagkayod, o pagpupulot.
Kamakailan lamang ay naglilinis kami ng kusina pagkatapos ng isang malaking almusal. Nang hindi nag-iisip, inilipat ko ang mga lalagyan sa isang istante ng refrigerator at pinunasan ang natapon. No big deal, pero malinis na ang isang bahagi ng refrigerator. Naisip ko, “Siguro hanggang doon lang ang paglilinis ng bahay. Kung gagawin ko
ang isang maliit na gawain kada sandali, ako ay may magagawa.” Doon biglang may ilaw na nagliwanag sa aking isip. Diyan patungkol ang “Isa sa Bawat Pagkakataon” (“One Day at a Time”)! Kapag kumuha ako ng isang araw, isang sandali, isang gawain sa isang pagkakataon at talagang tumutok dito, marami pang magagawa.
Paalala sa Araw na Ito
Kapag nahuli ko ang aking sarili na nalulula, o wala akong magawa dahil sa napakaraming dapat gawin na hindi ko alam kung saan magsisimula, hihinto ako saglit at paalalahanan ang aking sarili na gawin ito ng isang hakbang, isang gawain, isang araw sa isang pagkakataon.
“Ang pag-alala na maaari lamang tayong mabuhay ng isang araw sa isang pagkakataon ay nag-aalis ng mga pasanin ng nakaraan, pinapanatili ang ating pansin sa kasalukuyan, at pinipigilan tayong matakot sa hinaharap.”
Ito ang Al-Anon (This Is Al-Anon)