Kamakailan natutunan ko ang tungkol sa isang krisis sa buhay ng isang mahal ko na apektado ng alkoholismo. Ngayon, habang sinusubukan kong magtrabaho, nadapa ako sa aking upuan, nalulumbay at naguguluhan. Di-nagtagal, ang lahat ng mga iniisip ko tungkol sa trabaho ay biglang naglaho, at ako ay abala sa mga paraan kung paano ko matutulungan makalabas ang aking mahal sa buhay kung saan ang resulta nito ay maaring magkaroon ng epekto sa akin. Ang slogan, “Paisa-isang araw at Oras” ay nagpapaalala sa akin na sa kabila ng mga takot, hindi ko alam kung ano ang dadalhin bukas.
Bakit ako tumatalon sa hinaharap? Marahil ay bininigyan ko ang aking damdamin ng walang puwang upang mabuhay. Ang isang bahagi ng akin ay isinusugal ko sa pamamagitan ng pag-aalala nang maaga, mas madaling harapin ang masamang balita kung dumating man ito. Ngunit ang pag-aalala ay hindi ako mapoprotektahan mula sa hinaharap. Iiwasan lang nito ang pamumuhay ko dito at ngayon.
Paalala Ngayon
Hindi ko dapat tuklasin kung ano ang mararamdaman ko tungkol sa isang bagay na maaaring mangyari sa hinaharap. Hindi ko talaga alam kung ano ang mararamdaman ko, at maaaring hindi ito mangyari. Kaya’t kapag naramdaman ko ang aking sarili na iniiwan ang kasalukuyan, ipaalala ko sa aking sarili na ang hinaharap ay hindi ko dapat problemahin ngayon.
“Ang pag-alala bukas ay hindi nakakapagtatanggal ng kalungkutan, bukas lamang ang lakas nito ngayon.”
A.J. Cronin