Kahit na bilang isang bata, mayroon akong mga nasa pang hustong-gulang na responsibilidad, kaya’t hindi nakakagulat na lumaki akong isang tagapag-alaga. Tila napakaginhawa, awtomatikong iisipin muna ang iba at ibibigay ang aking sarili sa anumang krisis na kinakaharap nila nang walang pag-iisip para sa aking sarili. Nang magkaroon ako ng kamalayan na hindi ito ang isa sa aking pinaka-kahanga-hanga na mga ugali ngunit sa halip ay isang uri ng mapanirang sarili, ako ay kinilabutan. Nag-set out ako upang burahin ang lahat ng gayong asal at pag-uugali. Determinado akong magtuon sa aking sarili at wag pansinin ang iba hangga’t sa maaari.
Sa kabutihang palad, nabigo akong gumawa ng isang radikal na pagbabago. Ngayon, taon na ang lumipas, tagapangalaga pa rin ako, at malamang palagi. Ngunit ngayon isinasaalang-alang ko ito bilang isang pinahahalagahang katangian, isang regalo ng aking pag-aalaga na maaaring lubos na magpahusay nang aking buhay kung hindi ko ito gagawing labis. Kahit na hindi na ako gumagawa ng mga bagay para sa iba na magagawa nila para sa kanilang sarili, pinipilit ko pa ring alagaan sila pati na rin ang aking sarili. Tinutulungan ako ng Al-Anon na makahanap ng balanse.
Paalala Ngayon
Ngayon ay susubukan kong hindi hatulan ang mga bahagi ng aking sarili habang tumatanggap ng iba pang mga bahagi. Ako ay isang pinaghalo, at mamahalin ko ang aking sarili at yayakapin ko ang lahat ng ako.
“Ang aking mga di-kasakdalan at kabiguan ay isang pagpapala mula sa Diyos tulad ng aking mga tagumpay at aking mga talento, at inilalagay ko silang dalawa sa Kanyang paanan.”
Mahatma Gandhi