Tinutulungan ng Al-Anon ang marami sa atin na makayanan ang mga krisis na hindi natin kayang harapin mag isa. Natututo tayong manalig sa isang Kapangyarihang higit sa ating sarili, at sa pamamagitan ng pananampalataya at suporta na nakapaligid sa atin, natutuklasan natin na maaari tayong mabuhay at lumago sa panahon ng labis na kagipitan. Para sa karamihan sa atin, ang sitwasyon sa kalaunan ay nagbabago, o natututo tayong makahanap ng kapayapaan.
Ngunit ang ilan sa atin ay patuloy na nag-aalala. Paano kung bumalik ang mga krisis? Nakatulong noon si Al-Anon, ngunit gagana pa ba sa akin kung kailanganin ko muli? Paano kung may dumating pang kasawian?
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ang minimithi kong pag-asa ay posibleng mangyari kahalintulad ng aking kinakatakutan, kaya wala akong dahilan upang bigyan ng higit na timbang ang aking mga negatibong pakiramdam. Ang tangi kong magagawa ay sulitin ang araw na ito. Ngayon ay maaari kong piliin na magtiwala sa aking paggaling, ang mga kagamitan ng programa, at ang aking Mas Mataas na Kapangyarihan, at upang malaman kung gaano na kalayo ang aking narating.
Paalala sa Araw na Ito
Ngayon ay maglalaan ako ng ilang minuto upang kilalanin ang aking paglago. Hindi ako perpekto, ngunit tiyak nakagawa ng progreso.
“…maaaring hindi natin kaagad nakikilala ang ating pag-unlad, ngunit ang mga epekto ng pagtatrabaho sa programa ng Al-Anon ay malalim at tumatagal.”
…Sa Lahat Nating Gawain (… In All Our Affairs)