Categories
Mayo

May 3

Detatsment. Sa una ay maaaring ituring na malamig, inaayawan o tinatanggihan, at hindi kailanman mapagmahal na paraan. Ngunit dumating ako sa paniniwala na ang detatsment ay talagang isang kahanga-hangang biyaya: Dahil hinahayaan ko ang aking mga mahal sa buhay na magkaroon ng pribilehiyo at pagkakataon na kilalanin at maging totoo sa kanilang sarili.

Hindi ko nais na makasagabal sa pagkakataon ng sinuman na matuklasan ang kagalakan at tiwala sa sarili na maaring kasama ng mga personal na tagumpay. Kung patuloy akong makikialam para protektahan sila mula sa mga masasakit na karanasan, malaking kapinsalaan din ang ginagawa ko sa kanila. Tulad ng sinabi ni Mark Twain, “Ang isang tao na nagdadala ng pusa sa pamamagitan ng buntot ay natututo ng isang bagay na hindi niya matututunan sa ibang paraan.”

Masakit pagmasdan ang ibang tao na nagdurusa o hayaan silang tahakin ang daan na alam kong patungo sa tiyak na kasakitan. Marami sa aking mga pagtatangka na iligtas ang iba ay naudyukan ng aking pagnanais na maiwasan nila ang kasakitang ito. Ngayon inaaral kong maramdaman ang sarili kong takot, pagdurusa, at dalamhati. Nakakatulong ito sa akin na maging handa na pagkatiwalaan ang proseso ng paglago kahalintulad ng sa iba, dahil alam ko mismo ang tungkol sa mga biyayang hatid nito.

Paalala ngayong araw

Minsan ay mas mapagmahal na payagan ang ibang tao na maranasan ang natural na kahihinatnan ng kanilang mga aksyon, kahit na ito ay masakit para sa amin pareho. Sa katagalan, pareho kaming makikinabang dito. Sa araw na ito ay uunahin ko ang pagmamahal sa aking buhay.

“Ang kailangan ko lang gawin ay alisin ang aking pangingialam at buksan ang aking puso.”

In All Our Affairs

(Sa Lahat Ng Ating Mga Gawain)

English Translation

Detachment. At first it may sound cold and rejecting, not loving at all. But I have come to believe that detachment is actually a wonderful gift: I am allowing my loved ones the privilege and opportunity of being themselves.

I do not wish to interfere with anyone’s opportunities to discover the joy and self-confidence that can accompany personal achievements. If I am constantly intervening to protect them from painful experiences, I also do them a great disservice. As Mark Twain said, “A man who carries a cat by the tail learns something he can learn in no other way.”

I find it painful to watch another person suffer or head down a road I believe leads to pain. Many of my attempts to rescue others have been prompted by my desire to avoid this pain. Today I’m learning to experience my own fear, grief, and anguish. This helps me to be willing to trust the same growth process in others, because I know first-hand about the gifts it can bring.

 

Today’s Reminder

Sometimes is more loving to allow someone else to experience the natural consequences of their actions, even when it is painful for us both. In the long run, both of us will benefit. Today I will put love first in my life.

“All I have to do is keep my hands off and turn my heart on.”

 

In All Our Affairs