Hindi kinakailangan para sa akin na gumawa ng mapa ng isang master plan para sa aking paggaling — nagawa na iyon ng aking Mas Mataas na Kapangyarihan. Kinakailangan lamang na mapagpakumbabang humingi ng patnubay ng Diyos at para sa kahandaang sundin ang patnubay na ito ngayon. Alam kong hindi ako nag-iisa: Tatanggapin ko ang lahat ng tulong na kailangan ko. Pagkatapos manalangin para sa aking paggaling, makakaya ko na, alam kong maglalakad ako nang tahimik sa tamang direksyon.
Ngunit makakagawa ako ng ilang mga pagpipilian na makakatulong upang mapabilis ang aking pag-unlad. Mas mapangangalagaan kong mabuti ang sarili ko. Maaari akong dumalo sa mga pagpupulong ng Al-Anon, tawagan ang aking Sponsor, subukan ang ilang bagong uri ng gawaing paglilingkod. Maaari akong magpahinga, magnilay, mag-ehersisyo, basahin ang panitikang Al-Anon, maglaro, kumain ng isang malusog na pagkain. Napag-alaman kong kapag nagsumikap ako upang gawin ang magagawa ko araw-araw, unti unting lumalakas ako.
Paalala Ngayon
Hindi ko makokontrol ang aking paggaling. Hindi ko mapipilit ang aking sarili na pakawalan ang anuma ng mas mabilis, o igiit ang katahimikan. Ngunit makakagawa ako ng maliliit na pagkilos upang ipaalala sa aking sarili na handa akong lumahok sa prosesong ito. Mayroon akong bawat kadahilanan upang umaasa, para sa bawat hakbang na gagawin ko ay isang hakbang patungo sa buhay na mas kumpleto. Ngayon ay gagawa ako ng isang bagay na maganda para sa aking sarili na hindi ko pa ginugugol na mga oras hanggang ngayon.
“Kung ang isang tao ay may kumpiyansang sa pagsulong sa direksyon ng kanyang mga pangarap, at pinagsisikapang mabuhay ang buhay na naiisip niya, mtatagpuan niya ang tagumpay na hindi inaasahan sa mga karaniwang oras.”
Henry David Thoreau