Categories
Nobyembre

November 30

Ang bawat isa na may parte sa ating buhay ay maaring may maibibigay sa ating kaalaman na dapat nating matutunan. Ang ibang mga tao ay maaaring maging ating mga salamin, na sasalamin sa ating maganda at pangit na mga katangian. Matutulungan nila tayo upang magawa ang mga hidwaan mula sa nakaraan na hindi nalutas. Maaari silang kumilos bilang mga catalista, na pinapagana ang mga bahagi ng ating sarili na kailangang umakyat sa itaas upang mapangasiwaan natin sila.

Ang iba ay maaaring matuto din sa atin. Lahat tayo ay konektado. Iyon ang ating dakilang lakas.

Kaya’t kapag naiinip ako sa pagbabahagi ng isang tao sa isang pagpupulong, o nagagalit sa kawalan ng pansin ng isang mahal sa buhay, o pakiramdam na hindi na kaya ang mga pagpipilian o desisyon ng ibang tao, isasaalang-alang ko ang mga posibilidad na ang aking guro o ang aking salamin ay nakatayo sa harapan ko. At hihilingin ko sa aking Poong May Kapangyarihan na tulungan akong matukoy ang kanilang mga kagustuhan.

 

Paalala Ngayon

Isang rason kung bakit napunta ako sa Al-Anon ay upang malaman kung paano bumuo ng malusog, mapagmahal na relasyon sa aking sarili at sa iba. Kinikilala ko na kailangan ko ng ibang tao. Malugod kong tatanggapin ang Poong May Kapangyarihan kung saan niya ako dadalhin ngayon.

“Ang magkakahiwalay na tambo ay mahina at madaling masira; ngunit kung magkagapos na sila ay malakas at mahirap ng mapaghiwalay.”

Ang Midrash

English Translation

Everyone who plays a part in our lives offers something we might learn. Other people can be our mirrors, reflecting our better and worse qualities. They can help us to work through conflicts from the past that were never resolved. They can act as catalysts, activating parts of ourselves that need to rise to the surface so that we can attend to them.
Others can learn from us as well. We are all connected. That is our great strength.
So when I grow impatient with someone’s sharing in a meeting, or take offense at a loved one’s inattention, or feel incapable of coping with another person’s choices, I will consider the possibility that my teacher or my mirror stands before me. And I will ask my Higher Power to help me perceive their gifts.
Today’s Reminder
One reason I come to Al-Anon is to learn to develop healthy, loving relationships with myself and others. I recognize that I need other people. I will welcome those my Higher Power brings to me today.
“Separate reeds are weak and easily broken; but bound together they are strong and hard to tear apart.”
The Midrash