Kung minsan ay iniisip ko na dahil matagal na ako sa Al-Anon, hindi na dapat ako magkaroon ng problema. Kapag may dumarating na mga suliranin, nararamdaman kong may mali sa akin o di naman kaya ay sa programa. Sa totoo lang ay mas marami akong problema ng naglaon. Pagdating ko sa Al-Anon ay iisa lamang ang aking problema: Hindi ko alam kung paano ayusin ang pagkalulong ko sa alkohol. (Ang buhay ko ay lubos na magulo, ngunit sumumpa ako na ayos lang iyon.) Alam ko ngayon na hindi ko kayang ayusin ang sinuman kundi ang sarili ko, at hamunin ang sarili ko araw-araw na maghangad ng mas masagana at mas makabuluhang buhay. Sa pagharap ng mga panganib, pagharap sa takot, paggawa ng pagbabago, at pagsasalita para makamtan ang sarili kong pag unlad. Hindi natin alam ang mangyayari sa buhay, minsan ay namamangha tayo at mas gusto nalang natin magtago. Sa mga panahong iyon ay nakakatulong na maalala natin na hindi tinatanggal ng Al-Anon ang ating mga problema, ngunit binibigyan ako nito ng lakas ng loob at ideya na mapagtagumpayan ito.
Paalala Ngayon
Sa pagtugon sa aking mga problema at suliranin, hindi mahalaga ang tagal ko na nasa Al-Anon kundi kung paano ko ipatutupad at gagamitin ang mga kasangkapan sa paggaling. Bagama’t hindi nagbibigay ng immunity ang Al-Anon mula sa mga problema, nag-aalok ito at nagbibigay gabay sa malusog na paraan para makayanan ang mga ito.
“Ang mga problema ay kadalasang mga kasangkapan na ginagamit ng Diyos para sa mas mabubuting bagay.”
H.W. Beecher