“Kahit ngayon lang … gagawa ako ng mabuti ng walang nakakaalam; kung may nakakaalam nito, hindi ito bibilangin.”
Tinutulungan ako nitong makawala sa nakagawian na gumawa ng mabuti o magbigay ng bagay ng walang kapalit. Kapag nagsagawa ako ng isang mabuting gawa na walang inaasahan kapalit duon ako makakakuha ng gantimpala sa pagbibigay. Natututunan ko na ang pagbibigay ay hindi dapat maalis sa akin o sa sinumang iba pa-kung walang mga kalakip na mga hinihingi, lahat tayo ay makikinabang. Ang bawat mabuti at mapagmahal na kilos ay nagpapakalma sa akin at nag-aambag sa isang mas masaya at maayos na mundo. Ang mga hindi nagpapakilalang, positibong gawa ay nagbibigay daan sa isang yumayamang espirituwal na kagalingan. Lumalaki ang aking kumpiyansa sa sarili dahil nararamdaman kong nasa mabuti at makabuluhan ang aking buhay. Mga kilos ko. Ngayon ay ilalagay ko ang walang kundisyong pag-ibig sa aksyon. Kapag nagbibigay ako ng malaya, nang walang umaasang kapalit, Lagi akong tumatanggap ng higit pa sa ibinibigay ko.
Paalala Ngayon
“Nalikha ako nang may pagmamahal. Dahil diyan walang maipapahayag ang kagandahan ko ni palayain ako maliban sa pagmamahal.”
Mechtild ng Magdeburg