OKTUBRE 8
Ang buhay ko ay isang himala! Nang naramdaman kong nag-iisa ako at malayo sa pag-asa, ginabayan ako sa Al-Anon, kung saan nalaman kong walang sitwasyon ang talagang walang pag-asa. Ang iba ay dumanas ng sakit ng pagharap sa alkoholismo ng isang mahal sa buhay. Nalaman din nila ang pagkabigo, galit, pagkadismaya, at pagkabalisa, ngunit natutong mamuhay ng matiwasay at maging maligaya. Sa pamamagitan ng programa, ang mga gamit na humahantong sa katahimikan at ang regalo ng paggaling ay akin para makuha, kasama ang suporta na kailangan ko. Tulad ng paggabay sa akin sa Al-Anon, ginagabayan ako sa pag-galing, at patuloy akong ginagabayang magbago.
Nakikita ko na ang mga himala ay madalas na umaantig sa aking buhay. Siguro lagi silang nandyan, pero hindi ko sila nakita. Ngayon alam ko ang maraming mga regalo at kababalaghan dahil aktibo akong nagsasanay ng pasasalamat. Kaya nagpapasalamat ako sa aking Mas Mataas na Kapangyarihan para sa maliliit na bagay pati na rin sa malalaking bagay. Nagpapasalamat ako sa snooze button sa aking alarm clock na nagbibigay sa akin ng ilang dagdag na minuto ng pagtulog, gayundin sa bubong sa aking ulo, ang mga damit sa aking likod, at ang kakayahang magbigay at tumanggap ng pagmamahal.
Paalala sa Araw na Ito
Kapag naglaan ako ng oras para sa pasasalamat, nakikita ko ang isang mas magandang mundo. Ngayon ay pahalagahan ko ang mga himala sa paligid ko.
“Kahit na ang pinakamadilim na sandali ay maaaring harapin nang may pusong nagpapasalamat, kung hindi para sa mismong krisis, at least para sa paglago na maaari nitong pukawin sa tulong ng ating Mas Mataas na Kapangyarihan.”
…Sa Lahat Naming Gawain (…In All Our Affairs)