HULYO 5
Sa tingin ko ang salitang detatsment ay madalas na hindi naiintindihan. Para sa akin, ang detatsment ay ang kalayaang pagmamay-ari kung ano ang akin at payagan ang iba na pagmamay-ari kung ano ang kanila.
Ang kalayaang ito ay nagpapahintulot sa akin na panatilihin ang aking sariling pagkakakilanlan at mag-mahal pa rin, mag-aruga, at kilalanin ang damdamin ng iba. Sa katunayan, naniniwala ako na ang antas ng ating sangkatauhan ay masusukat sa ating kakayahang malaman ang sakit at saya ng ibang tao. Sinasanay ko ang mga prinsipyo ng Al-Anon sa abot ng aking makakaya sa mahabang panahon. Ngunit kapag ang isang tao sa fellowship ay nagbahagi tungkol sa pagkakaroon ng mahirap na panahon, maaari akong bumalik sa unang araw. Hindi na ako nabubuhay sa ganoong uri ng emosyonal na sakit, ngunit nararamdaman ko ang kanila. Nakikilala ko nang hindi na kailangang alisin ang kanilang sakit. Para sa akin, iyon ay isang kuwento ng tagumpay ng Al-Anon.
Ngayon ay hindi ko na kailangang gustuhin ang lahat ng sinasabi o ginagawa ng aking alkoholikong minamahal, at hindi ko kailangang baguhin siya, kahit na sa tingin ko ay mali siya. Patuloy akong natututo kung paano magmalasakit na hindi tinatanggap ang lahat nang personal.
Paalala sa Araw na Ito
Kaya kong lumayo at magmahal pa, makaramdam pa rin. Matututo akong pangalagaan ang sarili kong bagay habang pinapayagan ang iba na asikasuhin ang kanila. Ngayon ay maaari akong humiwalay nang hindi nawawalan ng compassion.
“Mahalin mo ang iyong kapwa, ngunit huwag mong ibagsak ang iyong bakod.”
George Herbert